Ang Michael Jordan ng PBA | Samboy "The Skywalker" Lim Story | Kamusta Na Ang Kalagayan?
Manage episode 348490068 series 3263199
Sino nga ba si Skywalker?
Si Avelino Borromeo Lim Jr. o kilala bilang Samboy Lim
ay isang former PBA player na pinanganak sa Maynila noong April 1, 1962
Kinse anyos palang sya noon nung nadiscover sya ng Colegio de San Juan de letran
nang makita nila si Samboy na naglalaro sa Phil Am Life Homes sa Quezon City.
Siya ay naglaro para sa coach na si Larry Albano kung saan nya tinulungan ang
Letran Knights ng magkaroon ng NCAA grandslam title noong 1982 hanggang 1984. Siya
ay consistent MVP contender simula nung pagapak nya palang sa NCAA, kung saan naging
katunggali pa nya ang kanyang mga teammates na sina Jerry Gonzales at Romeo Ang bago
nya makuha ang 1984 NCAA MVP.
Bago sya maging professional basketball player ay naimbitahan muna sya maglaro para
sa NCC squad para irepresenta ang pilipinas sa Jones Cup, SEA Games at Asian Basketball
Championships bago tuluyang madisband ang kupunan kasabay ng pagbagsak ng Marcos
government. Ito ay pagmamayari ni Danding Cojuangco at karamihan ng kanyang mga player
dito ay pinasok nya sa kanyang kupunan sa PBA na San Miguel Beermen.
Sa kanyang international games bilang manlalaro ng Pilipinas ay nakakuha sya ng
dalawang ginto mula sa FIBA Asia at Silver at Bronze naman mula sa Asian Games.
--- Support this podcast: https://podcasters.spotify.com/pod/show/philippine-sports-history/support40集单集